Showing posts with label College Entrance Tests. Show all posts
Showing posts with label College Entrance Tests. Show all posts

Thursday, February 14, 2013

Mga ALSyers Inip na sa Resulta ng Test

Inip na inip na ang mga ALSyers o yaong mga kumuha ng ALS A&E examinations noong November  at December 2012. Paano nga naman ay nalalapit na ang mga college entrance examinations. Hindi nila alam kung kukuha ba sila ng pagsusulit o hindi.



Ganito rin ang nangyari noong nakaraang test ng October 2011. Inabot ng April 2012 bago inilabas ng Department of Education (DepEd) ang 2011 ALS A&E Test Results. Aabutin din kaya ng lima o anim na buwan ang resulta ng November and December 2012 ALS A&E test results? Sana naman ay hindi. Sana ay natuto na ang DepEd na bilisan ang pagsisiyasat at pagbibigay ng kontrata sa mga bidders na magtsitsek ng mga test papers.



Sa mga kumuha ng exams, tiyaga-tiyaga lang. Huwag mawalan ng pag-asa. Habang nahihintay ng resulta ay magreview sa English at Mathematics dahil kakailanganin ninyo ito kung sakaling pumasa kayo sa 2012 ALS A&E tests at kukuha ng college entrance tests sa iba't ibang college o university.